Mayroon akong isang facebook friend na mahilig magselfie.
Halos araw-araw yata ng ginawa ng Diyos, puro selfie pictures niya ang makikita
mo sa newsfeed ko. Minsan tuloy nakakasawa ng magfb. Paggising pa lang yata sa
umaga kahit na hindi pa nagmumumog at nagtu-toothbrush ay nagseselfie
na,po-pose na ng magandang anggulo sa camera sabay post sa Fb ng
"Goodmorning Friends". I think hindi lang naman siya ang mahilig
magselfie eh,halos lahat yata ng pinoy ay mahilig mag selfie. Selfie dito,
selfie doon kapag na isang magandang lugar o kaya naman kapag may bagong damit
o gadgets, asahan mo wala pang limang minuto na nabibili ang gamit ay na
iselfie na at naka post na sa Fb.
Hindi naman masama
ang magselfie eh as long as we know our limitations, na dapat ay disente pa rin
ang pinopose mong mga picture. Hindi porke maganda,maputi at sexy ka ay
ipinapakita mo na ang buo mong pagkatao.Ang pagseselfie ay pagpapakita lamang na confident ka sa kagandahan na ibinigay sa atin ng Panginoon. Pero tandaan na lahat ng sobra ay nakakasama. Minsan nagkakaroon ka tuloy ng poser o kaya ay stalker dahil sa dami ng pictures mo, yung iba naman ginagamit ang picture mo sa hindi magandang transaction. Hindi lang yan, isipin mo din kung natutuwa pa ba ang mga facebook friends mo sa labis na selfie pictures mo na nakikita nila sa newsfeed nila? Maaaring okay pa sa ilan pero mas marami pa rin ang hindi nasisiyahan kung palaging mukha mo ang nakikita nila sa kanilang newsfeed. Huwag natin totohanin ang literal na meaning ng "selfie", na para sa akin ay "selfish". Huwag tayong maging self-centered, isaisip din natin ang ating kapwa at kung ano yung magiging impression nila sa atin. Tandaan, na lahat ng pinapakita o pinopost natin sa Fb ay nagrereflect sa ating pagkatao..
Babawasan ko na pagseselfie Sheryl :D
ReplyDeletePa-comment din po! TY.
ADVICE2101.09 : kung nagsasawa kana makita yung fb Friend mo na yun ikaw na ang paraya sakanya IBLOCK mo na sya friendlist mo.. hahaha
ReplyDeleteADVICE2102.10 : Wag kna mag fb mag blogspot ka nalang :D
ADVICE2103.11 : kung sa cp ka naka online at nkita mo sya sa newsfeed mo ibalibag mo cp mo at umiyak ka. kung sa PC naman hampasin mo ng upuan sabay sigaw ng may nambalibag;;; hahaha