Tuesday, April 21, 2015

May Forever nga ba o wala?

          Sa iyong palagay , may forever nga ba? Siguro kapag mga heartbroken ang tinanong mo, siguradong WALA ang kanilang isasagot. Hay, nakakalungkot isipin na nung panahon na mahal na mahal nila ang isa't -isa, halos araw-araw ay nagsasabihan ng "Ikaw lang ang forever ko", "I'm forever yours", at kung anu-ano pa na tila na wala ng makapghihiwalay sa kanila. Pero kapag naman naghiwalay o kaya ay pinagpalit sa iba, kung makapag-post sa Facebook ng "#Walang Forever", naka capslock na, may heartbroken na icon pang kasama.  Halos isumpa yata ang ex-boyfriend/girlfriend dahil sa sobrang sakit at galit na nararamdaman. Hay, buhay nga naman ng tao parang life. Kung ako naman ang tatanungin kung may forever nga ba o wala, hindi naman sa bitter ako kaya ko nasabi na wala ay dahil sa aking palagay ay halos lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan.Di ba kapag sinabing "Forever,"it means "Kailanman" o kaya ay "walang hanggan". Masasabi mo bang may forever kung nagkahiwalay din? Yung mga taong mahal natin sa buhay hindi naman natin sila forever na makakasama eh. Dahil dadating din yung time na kukunin sila nila Lord. Hindi rin naman forever yung lakas  natin bilang kabataan kasi dadating din yung time na tatanda tayo at hihina na ang ating mga buto. Kahit nga yung mga appliances natin sa bahay o kaya yung mga gadgets natin, naluluma hanggang sa masira. Maging yung mga pagkain at gamot ay may expiration din. Sabi nga nung iba na sawa na sa may buhay asawa, Sana daw yung Marriage contract ay may expiry date din.  Tapos yung iba nagpa-File ng annulment.Hay..edi wala talagang forever.
             Sa lahat ng bagay na ito, isa lang ang narealize ko. Si God lang ang Forever. Si God na nagmahal sa atin ng forever. Kahit na ilang beses  na tayong nagkasala sa kanya, sinaktan ang damdamin niya, still nandiyan pa rin Siya, forever na nagmamahal...

#MayForeverKayGod

4 comments:

  1. for me my forever kasi di man natin maipagpatuloy ditto sa mundong idadaw im sure sa kabilang buhay dun ang totoong forever.

    ReplyDelete
  2. May forever po. Wala nga lang dito sa lupa pero sa langit meron. <3 Tama may hangganan lahat dito sa mundo.
    Pa-comment din po! TY.

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete