Friday, April 24, 2015

Graduation

         


          Malapit ng dumating ang hinihintay ng lahat, ang "Graduation Day". Hindi ko man mabakas sa mukha ng aking classmates ang excitement nila dahil sa napaka hectic na Schedule namin, sa paggawa ng thesis, review para sa exam at training para sa assessment, nararamdaman ko na deep inside  excited na sila sa araw na yon. Ngunit ang aking nararamdaman sa nalalapit na pagtatapos ay malungkot na masaya.Malungkot kasi magkakahiwalay na kami ng aking mga classmates at kaibigan.  Mamimiss ko yung tawanan, biruan,bondingan saka syempre yung pagseselfie namin. Na kung tutuusin dati ay grupu-grupo kami ngayon ay may unity na. At mas mamimiss ko yung mga taong naging parte ng college life ko. Kaibigan, kaibigan na nagbigay sa kin ng unforgettable at priceless memories  ng college life ko. Ni hindi na subok ang aming pagkakaibigan hanggang ngayon, ni walang tampuhan nangyari..tampururot lang at asaran. :)
In short, Mamimiss ko ang buhay Estudyante. Kapag kasi may trabaho ka na puro mga professional at business people na yung  makakasama mo. Pati kilos mo, magiging professional na din.
          Masaya din naman ang feeling ko sa nalalapit na graduation dahil sa wakas nagbunga din ang lahat ng pinaghirapan ko sa loob ng 2 taon. Naubos na nga yung kilay ko kaka sunog sa tuwing may quiz, exam at assessment eh. Lalong nasunog dahil sa Accounting. :) Pero it's fine with me, kasi narealize ko na habang mas nahihirapan ka dun ka pala mas natututo. Dahil sa hindi mo pa alam ang isang bagay, may nabubuong eagerness sa puso mo na gusto mong malaman yung bagay na yun kaya mas nagiging knowledgeable ka. :)
           Thank you sa AIE (Alma Mater) at sa AIE family na siyang naging pangalawang tahanan at pamilya namin. Siyang nagtiis, nagpasensiya , sumuporta at gumabay samin sa loob ng 2 taon. Na siyang  nagturo sa amin ng maraming bagay na talaga namang babaunin namin pag alis namin ng AIE at dala-dala namin ito sa panibagong yugto ng aming buhay. Ang pinaka highlights sito ay yung sinabi ni  Martin Luther king na, "Intelligence plus Character". Dadalin namin hindi lang yung Intelligence na shinare nila samin kundi pati yung character na itinuro nila amin. Character na madadala namin kahit saang aspeto ng aming buhay hindi ang 2x + y kapag bumili ka sa tindahan. Hinubog kami mula sa isang putik hanggang sa maging isang paso, at hinubog kami mula sa isang bato hanggang sa maging kami ay maging isang makinang na Diamond..

No comments:

Post a Comment