Tuesday, April 21, 2015

Apat (4) na uri ng Love


1. I Love you because..
     Ito daw ang pag-ibig na may dahilan. Mahal ka niya dahil sa maganda/gwapo ka. Mahal ka niya dahil mayaman ka,sexy ka, o kaya ay dahil sa maputi ka. Paano kung hindi ka na maganda? hindi na mayaman? hindi na sexy? hindi na maputi? Edi hindi ka na mahal.

2. I Love you if..
     Ito naman daw ang pag-ibig na may kondisyon.

   "I love you if you love me too."
   "Mahal kita kung dadalhin mo ko Puerto Princesa."

   "Mahal kita kung ibibili mo ko ng  Iphone6."

Paano kung hindi maibigay ang hinihingi mong kondisyon? Edi hindi ka na din mahal.

3. I Love you even if..
    Ito naman daw yung pag-ibig na martir.

   "I love you even if you hurt me."
    "Mahal kita kahit na niloko mo 'ko."
   Di ba ang martir, kahit na ilang beses ng sinaktan at pinaiyak, ay mahal pa rin si lalaki/babae. Habang yung mahal mo ay inaabuso ang kabaitan mo.

4. I Love you.
   Ito naman daw yung totoong pag-ibig. Pag-ibig na walang dahilan, walang hinihinging kapalit at hindi martir. Ganito ang pag-ibig sa atin ng Panginoon.Walang dahilan, na kahit ano pa yung itsura o kapintasan natin still mahal pa rin Niya tayo at wala rin naman Siyang hinihinging kapalit o mga material na bagay bago Niya tayo mahalin. Hindi rin naman martir ang pag-ibig sa atin ng Diyos, ibig sabihin kahit na mahal Niya tayo ay hindi Niya tayo kinukonsinte sa mali nating ginagawa. Pinapalo pa rin Niya tayo upang ituwid ang ating pagkakamali. Parang mga tatay natin, nung bata tayo ay nakakatikim tayo ng palo nila kapag nakagawa tayo ng kasalanan. Mahal nila tayo kaya nila nagagawa iyon,gusto lamang nila na maitama natin ang ating pagkakamali.

    Ganito magmahal ang Diyos..
   
I LOVE YOU. ( Period)

 

1 comment: