Bilang isang kabataan, Ikaw ba ay sumusunod sa payo ng iyong
magulang? O ikaw ay isa lamang selective listener, na kung saan ay pinipili mo
lamang ang gusto mong marinig at ang ibang payo nila ay hindi mo na pinapansin?
At dahil ba sa ikaw ay may isip at malaki na, ay hindi mo na kailangan ang payo
nila? Nagkakamali ka kaibigan, kailangan mo pa rin sila upang payuhan at
gabayan ka sa iyong buhay. Dahil sila ang mas higit na nakakaalam ng mga bagay
para sa ating ikabubuti. Sila ay representative ng Diyos upang tayo ay alagaan
at gabayan upang mailayo tayo sa kapahamakan.
Katulad na lamang
ng isang babae na bagamat puno ng pangaral ng kanyang lola ay nagawa pa rin
niyang lokohin at suwayin ito. Pakiramdam niya kasi ay hinihigpitan siya ng
kanyang lola dahil sa dami ng payo at paalala nito. At sa tingin niya kasi ay
malaki na sya at alam na niya ang kanyang ginagawa kaya hindi na niya kailangan
ng payo ng kanyang lola. Lingid sa kaalaman ng kanyang lola, na ito ay
pumapasok sa Eskwelahan araw-araw. Ito ay pumapasok ngunit hindi sa Eskwelahan
ang diretso, gumagala at tumatambay siya kung saan-saan kasama ang kanyang mga
barkada. Dumadating pa nga sa pagkakataon na kapag nagpadala ng pera ang Mommy
niya na nasa abroad ay sa barkada niya ito nilalaan pambili ng alak at hindi sa
kanyang pag-aaral.Dumating ang panahon na nagbunga ang pagsuway niya sa kanyang Lola, siya ay nagdalang-tao at naging ina sa kalagitnaan ng kanyang kabataan..
Ano ang implikasyon ng kwentong ito? Bilang kabataan, dapat nating sundin ang ating magulang sa kanilang payo dahil wala naman silang hinangad na masama para sa atin, kundi para sa ikabubuti natin. Papunta pa lang tayo ay pabalik na sila. Kapag tayo ay sumunod sa kanila siguradong maganda ang patutunguhan ng ating buhay ngunit kapag tayo ay sumuway siguradong kapahamakan ang ating sasapitin.
Bilang pagtatapos, nais ko lang mag share ng isang aral mula sa Bibliya..
"Anak ko, ang aral ko ay huwag lilimutin
Lahat ng aking utos sa isipan mo'y itanim;
Upang araw mo'y tumagal, humaba ang iyong buhay,
at maging masagana sa lahat ng kailangan."
Tama :)
ReplyDeletePa-comment din po! TY.
yeah ryt :)
ReplyDelete