Friday, April 24, 2015

Graduation

         


          Malapit ng dumating ang hinihintay ng lahat, ang "Graduation Day". Hindi ko man mabakas sa mukha ng aking classmates ang excitement nila dahil sa napaka hectic na Schedule namin, sa paggawa ng thesis, review para sa exam at training para sa assessment, nararamdaman ko na deep inside  excited na sila sa araw na yon. Ngunit ang aking nararamdaman sa nalalapit na pagtatapos ay malungkot na masaya.Malungkot kasi magkakahiwalay na kami ng aking mga classmates at kaibigan.  Mamimiss ko yung tawanan, biruan,bondingan saka syempre yung pagseselfie namin. Na kung tutuusin dati ay grupu-grupo kami ngayon ay may unity na. At mas mamimiss ko yung mga taong naging parte ng college life ko. Kaibigan, kaibigan na nagbigay sa kin ng unforgettable at priceless memories  ng college life ko. Ni hindi na subok ang aming pagkakaibigan hanggang ngayon, ni walang tampuhan nangyari..tampururot lang at asaran. :)
In short, Mamimiss ko ang buhay Estudyante. Kapag kasi may trabaho ka na puro mga professional at business people na yung  makakasama mo. Pati kilos mo, magiging professional na din.
          Masaya din naman ang feeling ko sa nalalapit na graduation dahil sa wakas nagbunga din ang lahat ng pinaghirapan ko sa loob ng 2 taon. Naubos na nga yung kilay ko kaka sunog sa tuwing may quiz, exam at assessment eh. Lalong nasunog dahil sa Accounting. :) Pero it's fine with me, kasi narealize ko na habang mas nahihirapan ka dun ka pala mas natututo. Dahil sa hindi mo pa alam ang isang bagay, may nabubuong eagerness sa puso mo na gusto mong malaman yung bagay na yun kaya mas nagiging knowledgeable ka. :)
           Thank you sa AIE (Alma Mater) at sa AIE family na siyang naging pangalawang tahanan at pamilya namin. Siyang nagtiis, nagpasensiya , sumuporta at gumabay samin sa loob ng 2 taon. Na siyang  nagturo sa amin ng maraming bagay na talaga namang babaunin namin pag alis namin ng AIE at dala-dala namin ito sa panibagong yugto ng aming buhay. Ang pinaka highlights sito ay yung sinabi ni  Martin Luther king na, "Intelligence plus Character". Dadalin namin hindi lang yung Intelligence na shinare nila samin kundi pati yung character na itinuro nila amin. Character na madadala namin kahit saang aspeto ng aming buhay hindi ang 2x + y kapag bumili ka sa tindahan. Hinubog kami mula sa isang putik hanggang sa maging isang paso, at hinubog kami mula sa isang bato hanggang sa maging kami ay maging isang makinang na Diamond..

Tuesday, April 21, 2015

Apat (4) na uri ng Love


1. I Love you because..
     Ito daw ang pag-ibig na may dahilan. Mahal ka niya dahil sa maganda/gwapo ka. Mahal ka niya dahil mayaman ka,sexy ka, o kaya ay dahil sa maputi ka. Paano kung hindi ka na maganda? hindi na mayaman? hindi na sexy? hindi na maputi? Edi hindi ka na mahal.

2. I Love you if..
     Ito naman daw ang pag-ibig na may kondisyon.

   "I love you if you love me too."
   "Mahal kita kung dadalhin mo ko Puerto Princesa."

   "Mahal kita kung ibibili mo ko ng  Iphone6."

Paano kung hindi maibigay ang hinihingi mong kondisyon? Edi hindi ka na din mahal.

3. I Love you even if..
    Ito naman daw yung pag-ibig na martir.

   "I love you even if you hurt me."
    "Mahal kita kahit na niloko mo 'ko."
   Di ba ang martir, kahit na ilang beses ng sinaktan at pinaiyak, ay mahal pa rin si lalaki/babae. Habang yung mahal mo ay inaabuso ang kabaitan mo.

4. I Love you.
   Ito naman daw yung totoong pag-ibig. Pag-ibig na walang dahilan, walang hinihinging kapalit at hindi martir. Ganito ang pag-ibig sa atin ng Panginoon.Walang dahilan, na kahit ano pa yung itsura o kapintasan natin still mahal pa rin Niya tayo at wala rin naman Siyang hinihinging kapalit o mga material na bagay bago Niya tayo mahalin. Hindi rin naman martir ang pag-ibig sa atin ng Diyos, ibig sabihin kahit na mahal Niya tayo ay hindi Niya tayo kinukonsinte sa mali nating ginagawa. Pinapalo pa rin Niya tayo upang ituwid ang ating pagkakamali. Parang mga tatay natin, nung bata tayo ay nakakatikim tayo ng palo nila kapag nakagawa tayo ng kasalanan. Mahal nila tayo kaya nila nagagawa iyon,gusto lamang nila na maitama natin ang ating pagkakamali.

    Ganito magmahal ang Diyos..
   
I LOVE YOU. ( Period)

 

Love the one who hurts me..


Hope you don't mind for what i'm telling..
And understand for what I'm saying..
I'm still here and always waiting..
For your smile that give my life a meaning..
I know that is wrong to love you so early..
But if you hate me? I accepted so clearly..
If I'm an angel, I'm always beside you
If i have a wings, I'm flying around you..
But I'm only human..
A human is all I can do
is to LOVE YOU.

I' ve always been hurt by the one I love
Always been loved.. By the person I don't Love
The sad thing is..
I better to choose the one who loves me
Still my heart belongs to Hurt me. :(
If loving you is WRONG
I don't want to be RIGHT
If living without you is Right
I want to be Wrong
From the rest of MY LIFE..

 

May Forever nga ba o wala?

          Sa iyong palagay , may forever nga ba? Siguro kapag mga heartbroken ang tinanong mo, siguradong WALA ang kanilang isasagot. Hay, nakakalungkot isipin na nung panahon na mahal na mahal nila ang isa't -isa, halos araw-araw ay nagsasabihan ng "Ikaw lang ang forever ko", "I'm forever yours", at kung anu-ano pa na tila na wala ng makapghihiwalay sa kanila. Pero kapag naman naghiwalay o kaya ay pinagpalit sa iba, kung makapag-post sa Facebook ng "#Walang Forever", naka capslock na, may heartbroken na icon pang kasama.  Halos isumpa yata ang ex-boyfriend/girlfriend dahil sa sobrang sakit at galit na nararamdaman. Hay, buhay nga naman ng tao parang life. Kung ako naman ang tatanungin kung may forever nga ba o wala, hindi naman sa bitter ako kaya ko nasabi na wala ay dahil sa aking palagay ay halos lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan.Di ba kapag sinabing "Forever,"it means "Kailanman" o kaya ay "walang hanggan". Masasabi mo bang may forever kung nagkahiwalay din? Yung mga taong mahal natin sa buhay hindi naman natin sila forever na makakasama eh. Dahil dadating din yung time na kukunin sila nila Lord. Hindi rin naman forever yung lakas  natin bilang kabataan kasi dadating din yung time na tatanda tayo at hihina na ang ating mga buto. Kahit nga yung mga appliances natin sa bahay o kaya yung mga gadgets natin, naluluma hanggang sa masira. Maging yung mga pagkain at gamot ay may expiration din. Sabi nga nung iba na sawa na sa may buhay asawa, Sana daw yung Marriage contract ay may expiry date din.  Tapos yung iba nagpa-File ng annulment.Hay..edi wala talagang forever.
             Sa lahat ng bagay na ito, isa lang ang narealize ko. Si God lang ang Forever. Si God na nagmahal sa atin ng forever. Kahit na ilang beses  na tayong nagkasala sa kanya, sinaktan ang damdamin niya, still nandiyan pa rin Siya, forever na nagmamahal...

#MayForeverKayGod

"Selfie"


     Mayroon akong isang facebook friend na mahilig magselfie. Halos araw-araw yata ng ginawa ng Diyos, puro selfie pictures niya ang makikita mo sa newsfeed ko. Minsan tuloy nakakasawa ng magfb. Paggising pa lang yata sa umaga kahit na hindi pa nagmumumog at nagtu-toothbrush ay nagseselfie na,po-pose na ng magandang anggulo sa camera sabay post sa Fb ng "Goodmorning Friends". I think hindi lang naman siya ang mahilig magselfie eh,halos lahat yata ng pinoy ay mahilig mag selfie. Selfie dito, selfie doon kapag na isang magandang lugar o kaya naman kapag may bagong damit o gadgets, asahan mo wala pang limang minuto na nabibili ang gamit ay na iselfie na at naka post na sa Fb.
    Hindi naman masama ang magselfie eh as long as we know our limitations, na dapat ay disente pa rin ang pinopose mong mga picture. Hindi porke maganda,maputi at sexy ka ay ipinapakita mo na ang buo mong pagkatao.
   Ang pagseselfie  ay pagpapakita lamang na confident ka sa kagandahan na ibinigay sa atin ng Panginoon. Pero tandaan na lahat ng sobra ay nakakasama. Minsan nagkakaroon ka tuloy ng poser o kaya ay stalker dahil sa dami ng pictures mo, yung iba naman ginagamit ang picture mo sa hindi magandang transaction. Hindi lang yan, isipin mo din kung natutuwa pa ba ang mga facebook friends mo sa labis na selfie pictures mo na nakikita nila sa newsfeed nila? Maaaring okay pa sa ilan pero mas marami pa rin ang hindi nasisiyahan kung palaging mukha mo ang nakikita nila sa kanilang newsfeed. Huwag natin totohanin ang literal na meaning ng "selfie", na para sa akin ay "selfish". Huwag tayong maging self-centered, isaisip din natin ang ating kapwa at kung ano yung magiging impression nila sa atin. Tandaan, na lahat ng pinapakita o pinopost natin sa Fb ay  nagrereflect sa ating pagkatao..

Advice


         Bilang isang kabataan, Ikaw ba ay sumusunod sa payo ng iyong magulang? O ikaw ay isa lamang selective listener, na kung saan ay pinipili mo lamang ang gusto mong marinig at ang ibang payo nila ay hindi mo na pinapansin? At dahil ba sa ikaw ay may isip at malaki na, ay hindi mo na kailangan ang payo nila? Nagkakamali ka kaibigan, kailangan mo pa rin sila upang payuhan at gabayan ka sa iyong buhay. Dahil sila ang mas higit na nakakaalam ng mga bagay para sa ating ikabubuti. Sila ay representative ng Diyos upang tayo ay alagaan at gabayan upang mailayo tayo sa kapahamakan.
    Katulad na lamang ng isang babae na bagamat puno ng pangaral ng kanyang lola ay nagawa pa rin niyang lokohin at suwayin ito. Pakiramdam niya kasi ay hinihigpitan siya ng kanyang lola dahil sa dami ng payo at paalala nito. At sa tingin niya kasi ay malaki na sya at alam na niya ang kanyang ginagawa kaya hindi na niya kailangan ng payo ng kanyang lola. Lingid sa kaalaman ng kanyang lola, na ito ay pumapasok sa Eskwelahan araw-araw. Ito ay pumapasok ngunit hindi sa Eskwelahan ang diretso, gumagala at tumatambay siya kung saan-saan kasama ang kanyang mga barkada. Dumadating pa nga sa pagkakataon na kapag nagpadala ng pera ang Mommy niya na nasa abroad ay sa barkada niya ito nilalaan pambili ng alak at hindi sa kanyang pag-aaral.
    Dumating ang panahon na nagbunga ang pagsuway niya sa kanyang Lola, siya ay nagdalang-tao at naging ina sa kalagitnaan ng kanyang kabataan..
    Ano ang implikasyon ng kwentong ito? Bilang kabataan, dapat nating sundin ang ating magulang sa kanilang payo dahil wala naman silang hinangad na masama para sa atin, kundi para sa ikabubuti natin. Papunta pa lang tayo ay pabalik na sila. Kapag tayo ay sumunod sa kanila siguradong maganda ang patutunguhan ng ating buhay ngunit kapag tayo ay sumuway siguradong kapahamakan ang ating sasapitin.
    Bilang pagtatapos, nais ko lang mag share ng isang aral mula sa Bibliya..

"Anak ko, ang aral ko ay huwag lilimutin
Lahat ng aking utos sa isipan mo'y itanim;

Upang araw mo'y tumagal, humaba ang iyong buhay,
at maging masagana sa lahat ng kailangan."